Pinas News
TULOY-TULOY ang isinasagawang paglilikas sa mga residente ng Ventura at Santa Paula County sa Southern California kasunod ito ng wildfire na nararanasan sa lugar.
Base sa tala ng mga otoridad aabot na sa 45,000 ektaryang mga lupain ang nasunog dahil sa wildfire.
Kaugnay nito, nagdeklara na si California Gov. Jerry Brown ng state of emergency sa Ventura County na pinaka apektado ng sunog.
Patuloy namang inaalam ang bilang ng mga nasunog na mga kabahayan at kung may nasawi sa nagpapatuloy na wildfire.