TJ BUMANLAG
EXCITED na sa kaniyang panibagong milestone ang Pinay Miss Universe na si Catriona Gray.
Ito ay dahil magkakaroon na rin ng kaniyang sariling Madame Tussauds Wax Figure si Queen Cat.
Sa kaniyang Instagram, masayang inanunsyo ng Beauty Queen na ang kaniyang pagkakabilang sa World Renowned Wax Figure Museum.
Isusuot ng Wax Figure ni Miss Universe 2018 ang Replica ng kaniyang iconic and winning mayon inspired lava gown na likha ng Pinoy designer na si Mak Tumang.
Si Catriona ang kauna-unahang Pinay na magkakaroon ng wax figure sa Madame Tussauds Singapore.