EYESHA ENDAR
NAGBIGAY ng $500,000 na donasyon sa mga biktima ng wildfire sa California ang actor na si John Cena.
Nagpakumbaba pa ang WWE star dahil ito lamang daw ang kaniyang makakayang ibigay para matulungan ang mga biktima ng malaking sunog.
Kasabay nito, nanawagan din ang aktor sa kaniyang mga kababayan na magdasal para matigil na ang pagkalat ng sunog.
Itinuturing naman nito na tila nagkaroon ng maling tiyempo ang paglabas ng kaniyang bagong pelikulang “Playing With Fire” kung saan gaganap ito bilang bumbero.