Ni: Ma. Leriecka Endico
BAHAGI na ng ating pang-araw araw na gawain ang panatilihing malinis ang ating pangangatawan. Isa sa pangunahing gawain natin sa araw-araw ay pakikipagusap, kasama na rito sa ating daily hygiene ang pagpapanatili ng maputing ngipin at mabangong hininga. Ito ay sa pamamagitan ng pagsisilpiyo at pagmumumog ng mouth wash. Ngunit, paano kung hindi ito sapat upang maiwasan ang hindi kaaya-ayang hininga?
Halitosis ang medikal na tawag sa mabahong hininga na tinatayang nasa antas ng 30% ng mga tao sa buong mundo ay mayroon nito. Ayon sa Colgate Oral Care Center, ito ay maaaring dulot ng isa ng mga sumusunod:
- Maling dental hygiene.
- Impeksyon sa bibig.
- Sakit o impeksyon sa baga.
- Tuyong bibig (xerostomia).
- Mga sakit tulad ng Diabetes, sakit sa atay, kidney at iba pa.
- Psychiatric illness (pseudohalitosis).
Walang dapat ipangamba dahil hindi mo kakailanganin gumastos ng malaki upang maiwasan ang mabahong hininga. Narito ang limang simpleng gawain ayon sa pag-aaral ng TheraBreath, upang maiwasan ang Halitosis:
- Kumain ng mga pagkaing sagana sa fiber dahil nakakatulong ito maiwasan ang mabahong hininga. Iwasan ang mga prosesong pagkain na mayaman sa carbohydrates katulad ng cookies, cake, matatamis at sorbetes.
- Uminom ng maraming tubig. “When your mouth becomes more dry, you have less saliva. And when you have less saliva, food and bacteria tends to sit in your mouth for much longer period of time”, paliwanag ni Dr. Ada S. Cooper, D.D.S, tagapagsalita ng American Dental Association. Payo niya, iwasan ang pag-inom ng kape, alcoholic drinks, paninigarilyo at iba pang gawain na nagdudulot ng pagkatuyot ng bibig.
- Limitahan ang pagkain o paginom ng mga pagkain na may gatas. Ang Lactose intolerance na maaaring magdulot ng mabahong amoy.
- Uminom ng berde o itim na tsaa dahil mayroon itong Polyphenols na nagaalis ng bacteria sa ating bibig.
- Huwag gumamit ng mga mouthwash na gawa sa alcohol dahil lalo itong magdudulot ng pagkatuyot ng bibig.