MATAGUMPAY na nilikha ng mga tagapagsiyasat sa China ang genetically modified purple rice na mayaman sa antioxidants at may potensyal na magpababa sa panganib sa kanser at iba pang mga sakit.
Ang karagdagang benepisyo sa kalusugan ng bagong bigas ay galing sa mataas ng lebel ng anthocyanins, isang grupo ng antioxidant-boosting pigments na nagbibigay ng kulay lila, pula at asul sa maraming mga prutas at gulay.
Ang pagkonsumo ng kanin na mayaman sa anthocyanins ay makapagbenepisyo sa kalusugan ng tao, nagpapababa sa panganib ng kanser, cardiovascular disease, diabetes, at iba pang chronic disorder ayon sa journal ng Molecular Plant.
Bagaman, naging bigo ang unang tangka ng produksyon ng anthocyanin sa bigas dahil sa pinagbabatayang landas ng biosynthesis ay napakakomplikado.
Sa pagtugon sa naturang hamon, nagsagawa si Yao-Guang Liu ng South China Agricultural University at ang kanyang mga kasama ng pagkilala sa mga genes na may kaugnayan sa anthocyanin production sa iba’t ibang klase ng palay.
Nakapaglunsad ang naturang grupo ng tinawag na “a highly efficient, easy-to-use transgene stacking system” at ginamit ito upang ipasok sa walong genes upang magdulot ng anthocyanin sa japonica at indica rice.
Ayon sa inaasahan, ito ay nagresulta ng purple rice na may mayaman sa anthocyanin at antioxidant.
“This is the first demonstration of engineering such a complex metabolic pathway in plants,” pahayag ni Liu.
Naniniwala ang naturang mga tagapagsiyasat na ang kanilang estratehiya ay maaaring magamit para sa produksyon ng maraming ibang mahalagang sangkap ng nutrina at medisina.
“Our research provides a high-efficiency vector system for stacking multiple genes for synthetic biology and makes it potentially feasible for engineering complex biosynthesis pathways in the endosperm of rice and other crop plants such as maize, wheat, and barley,” wika ni Liu.