Ni: Noli Liwanag
NATUPAD ang nais ng “Ang Angas ng Tondo” na si Paul Lee na mag-kampeon ang Magnolia Hotshots sa 2018 Honda Click–PBA Cup Governors’ Cup. Sa Game 6 ng Best-of-7 finals nanalo ang Pambansang Manok kontra sa Alaska Aces sa score na 102-86, na ginanap sa Ynares Sports Center, Antipolo City, Rizal.
Maganda ang Pasko at Bagong Taon ng Magnolia Hotshots sa pangunguna ni coach Chito Victolero matapos makuha ang tropeo ng 2018 PBA Governors’ Cup, dahil sa kampeonato, natapos ang apat na taong pagnanasang makamit ng Pambansang Manok ang titulo.
Ito ang unang korona ng Magnolia matapos mag-grand slam noong 2014 ang San Mig Coffee (Magnolia ngayon). Kinilalang Honda PBA Press Corps Finals MVP si Mark Barroca na nagtala ng 13 points, 5 rebounds at 4 assists.