TJ BUMANLAG
IBINUNYAG ni Justin Bieber ang pagkakaroon niya ng kakaibang sakit.
Inamin ni Bieber na mayroon siyang Lyme Disease na isang uri ng bacteria infection mula sa kuto.
Sa kaniyang Instagram account, sinabi nito na naapektuhan ng nasabing bacteria ang kaniyang balat, paggana ng utak, lakas at buong kalusugan.
Sinabi ni Justin na kaniyang buong ipapaliwanag ang sakit sa video na kaniyang ipopost sa Youtube channel nito.
Nagpasalamat naman ito dahil nalampasan na niya ang nasabing impeksyon.
Base sa pag-aaral ng centers for disease control and prevention nasa 300,000 mga Americans ang nadadapuan ng nasabing sakit.