POL MONTIBON
BINUKSAN na sa publiko ang isang trendy music and arts store sa bansa. May bagong paka-aabangan dito, dahil sa mga malalaking pasabog at makabagong atraksiyon na pupukaw sa mga mamimili dito
Isa itong makabagong music and art gallery, na tampok ang most unique at iconic musical instruments hindi lang nagmula dito sa bansa, kundi galing pa ibat-ibang panig ng mundo.
Ang Yup Muzic, ang itinuturing na Yupangco Mega Store sa bansa, kung saan makikita dito ang mga kilalang brands sa music industry.
Isa na dito ang ipinagmamalaki nilang Yamaha Disklavier Grand Piano Dgblkbnstpe na nagkakahalaga ng 1.5 million pesos.
Habang ang Yup Arts naman ay tampok dito ang mga sikat at worlds most loved paintings sa mundo.
Aminado ang Yupangco Group na hindi naging madali sa kanila ang mag isip ng negosyo na patok sa panlasa at interes na pupukaw sa atensiyong pinoy mula sa mga bata, teenagers at maging sa mga matatanda. Mga kakaiba ngunit napapanahon din.
Bahagi din ng tradisyon ng pamilya Yupangco ang mag-abot ng tulong sa mga nangangailangan.
Pinahayag ni Mr. Robert Yupangco ang kanyang partnership sa isang German Non-government organization na humihikayat sa mga out of school youth na isailalim sa isang scholarship program sa music and arts.
Sa naturang aktibidad, kinilala rin ni Mr. Yupangco at kanyang mga naging katuwang sa pagpapalago ng naturang kompanya.
Samantala, soon to open ang Yup Food By Unlizity, isang unlimited food hub na may ibat-ibang asian cuisine mula sa Japan, Korea, China at sunod na bubuksan ang bagong hip and chic cofee shop na Yup Café.
Aasahan din ang pinakauna sa bansa na hatid ng Yupangco group, ang Yup Galleriez, na naglalaman ng life-sized wax figures mula sa kilalang bayani at personalidad sa bansa at maging sa ibang panig ng mundo.