MIAMI Heat Player Derrick Jones Jr.
YNA MORTEL
NAIUWI ng Miami Heat Player na si Derrick “Airplane Mode” Jones Jr. ang tropeyo sa katatapos na 2020 NBA All-Star Slum Dunk Competition.
Tinalo ni Jones Jr. ang Orlando Magic Forward Aaron Gordon sa epic duel na ginanap sa Chicago’s United Center.
Kapwa nakakuha ng perfect na 50 points sina Gordon at Jones sa final round pero naungusan ng one point ni Jones si Gordon sa dunk-off sa 48 – 47 score.
Ito ang ikalawang mapait na pagkatalo ni Gordon sa slum dunk matapos ang pagkatalo nito noong 2016 kay Zach Lavine.
Si Jones naman ang unang manlalaro ng heat na nakapag-uwi ng titulo sa slum dunk competition matapos itong mapanalunan ni Harold Miner noong 1993.