May bagong linya ng skin care na angkop sa modernong Pilipina
TJ BUMANLAG
SA ginanap na Ika-30 Anibersaryo ng Dermcare Group of Companies nakaraang Disyembre 9, 2019 sabay na pinakilala nito ang Crystal White Radiant Skin System mula sa Japan na angkop sa moderno at natatanging kutis Filipina.
Ayon kay Zenaida E. Palisoc President/CEO Dermcare Group of Companies and Wellness Innovators, pangunahing inspirasyon niya sa paggawa ng produkto ang kuwento ng modernong Filipina, ang mga ambisyon nito, pakikibaka at tagumpay sa buhay.
Hangad ni Palisoc na bigyan pa ng kapangyarihan ang modernong Filipina sa pamamagitan ng paggamit ng produkto na mas makakapagpaganda, magpapalusog at magpapakinang ng kanilang mga kutis.
Ang Crystal White Radiance ay binubuo ng apat na produkto na dinisenyo para magbigay kulay at buhay sa kutis ng isang Pilipina. Una ang AO+ isang antioxidant supplement na lumalaban sa oxidative stress na dahilan ng pagkatuyo ng balat.
Ikalawa ang BC+ isang sabon na maglilinis sa mga polusyon at dumi na dumikit sa balat at magpapalambot ng kutis. Ikatlo ang FC+ isang sabon panlinis sa mga naiwang make up at dumi sa mukha. Ika apat ang IC+ isang matinding cream na nilikha upang mabuhay, magbasa-basa at maprotektahan ang balat mula sa nakakapinsalang sinag ng araw.